[Helaman 8:11–28] Napatunayan na mga hula

At ngayon nais kong malaman ninyo, na maging sa simula pa lamang noong mga araw ni Abraham ay marami nang propeta ang nagpatotoo sa mga bagay na ito; oo, masdan, si Propetang Zenos ay nagpatotoo nang buong tapang; sa dahilang yaon siya ay pinatay. At masdan, gayon din si Zenok, at gayon din si Ezias, at gayon din si Isaias, at Jeremias, (si Jeremias na siya ring propetang nagpatotoo tungkol sa pagkawasak ng Jerusalem) at ngayon nalalaman natin na ang Jerusalem ay nawasak na alinsunod sa mga salita ni Jeremias. O kung gayon ay bakit hindi paparito ang Anak ng Diyos, alinsunod sa kanyang propesiya?

From section: Toreng Hardin ni Nephi

From page: Ang Mga Propesiya at Mga Pangaral ni Nephi

Commentary