[Helaman 8:11–28] Mga patotoo tungkol kay Cristo

At ngayon makikipagtalo ba kayo na ang Jerusalem ay nawasak na? Sasabihin ba ninyong hindi napatay ang mga anak na lalaki ni Zedekias, lahat maliban kay Mulek? Oo, at hindi ba ninyo namamalas na ang mga binhi ni Zedekias ay kasama natin, at sila ay itinaboy palabas ng lupain ng Jerusalem? Subalit masdan, hindi lamang ito— Ang ating amang si Lehi ay itinaboy palabas ng Jerusalem dahil siya ay nagpatotoo sa mga bagay na ito. Si Nephi ay nagpatotoo rin sa mga bagay na ito, at halos lahat din ng ating mga ama, maging hanggang sa panahong ito; oo, sila ay nagpatotoo tungkol sa pagparito ni Cristo, at umaasa, at nagsasaya sa kanyang araw na darating. At masdan, siya ay Diyos, at siya ay kasama nila, at ipinakita niya ang kanyang sarili sa kanila, na sila ay tinubos niya; at kanilang pinapurihan siya, dahil sa yaong darating.

From section: Toreng Hardin ni Nephi

From page: Ang Mga Propesiya at Mga Pangaral ni Nephi

Commentary