At ngayon, nakikitang nalalaman ninyo ang mga bagay na ito at hindi ninyo maaaring itatwa ang mga ito maliban kung kayo ay magsisinungaling, kaya nga dahil dito kayo ay nagkasala, sapagkat tinanggihan ninyo ang lahat ng bagay na ito, sa kabila ng maraming katibayang natanggap ninyo; oo, maging ang lahat ng bagay ay natanggap ninyo, kapwa mga bagay sa langit, at lahat ng bagay na nasa lupa, bilang patunay na ang mga ito ay totoo.