Isang sinaunang tao na may pangalang Jared, kasama ang kanyang kapatid na lalaki, sinunud ang mga direksyon ng Diyos at pinangunahan ang kanilang mga tagasunod papalayo mula sa "Tore ng Babel." Naligaw sa ilang sa loob ng maraming taon, at sa huli ay ginabayan ng Diyos at tinahak ang paglalakbay sa karagatan patungo sa Lupang Pangako. Sila ay nagtatag ng isang malakas na sibilisasyon, at ang kanilang kasaysayan ang pag-unlad at pagbagsak ng kanilang mga kaharian. Mga Propeta dumating sa gitna ng mga Jaredita, ngunit ang mga ito ay madalas na tinanggihan. Pagkatapos ng kanilang kasaysayan na sumasaklaw sa mahigit sa 30 mga henerasyon, ang mga Jaredita napuksa ang kanilang mga sarili sa isang kasuklam-suklam na digmaang sibil. Ang huling buhay na Jareditang propeta na si Eter ay nagsulat at tinipon ang talaan ng kanyang mga nalipol na mga tao.
- Ang Panahon ng Mga Jaredita
- Pambungad
- Si Jared at ang Kanyang Kapatid sa Napakalaking Tore
- Ang Pagsisimula ng mga Paglalakbay ng mga Jaredita
- Mga Pakikibaka sa Pagtatayo ng mga Barko sa Ilang
- Si Jared, Hesus at ang Labing-anim na mga Bato
- Mga Paglalayag sa Likod ng mga Karagatan ng mga Jaredita
- Ang Kolonisasyon ng Lupaing Pangako
- Ang Kaharian ng mga Jaredita sa Ilalim nina Oriha, Kib, at Korihor
- Ang Digmaang Sibil ng mga Jaredita at ang Muling Pagbubuklod
- Paghihimagsik at Pagsasabwatan Laban kay Omer
- Ang Pagtakas ni Omer at ang Mapya ni Akish
- Ang Paghahari ni Emer
- Ang Mga Paghahari nina Koriantum, Com, at Heth
- Ang Paghahari ni Shez
- Ang Paghahari ni Riplakish
- Ang Paghahari ni Morianton
- Ang mga Paghahari nina Kim, Kapatid ni Kim, Levi, Korom, at Kish
- Ang Paghahari ni Lib
- Ang Pagkabihag ni Hertum, Het, Aaron, Amnigadas, Coriantum at Com
- Kapahamakan sa Ilalim ni Siblom
- Ang Paghahari ni Aha at Etem
- Ang Paghahari ni Moron
- Si Koriantor sa Pagkabihag
- Ang Propetang Eter
- Sigalot sa Pagitan ni Sared, Gilead at Coriantumer
- Sigalot sa Pagitan ni Lib at Coriantumer
- Sigalot sa Pagitan ni Shiz at Coriantumer
- Nabigong Negosasyon at ang Panimulang Pagsalakay
- Ang Huling Labanan
- Epilogo
Noong 600 BC, isang tao sa Jerusalem ang pangalan Lehi ay binigyan ng babala ng Diyos tungkol sa nalalapit na pagkasakop ng Babilonya, at tinuturuan ng Diyos na umalis sa lungsod kasama ang kanyang pamilya. Iniwan nila ang Jerusalem, at gumawa ng kampo sa disyerto. Ang mga anak ni Lehi ay gumawa ng ilang mga paglalakbay pabalik sa Jerusalem upang kunin ang mga banal na kasulatan Hebrew, o "laminang tanso," at magdagdag ng isa pang tao kasama ang kanyang pamilya na sumali sa kanilang pag-alis. Ang grupo nag gugol ng maraming taon sa paglalakbay sa "Arabian Peninsula". Sa wakas dumating sila sa baybayin, kung saan sila ay gumawa ng isang barko, at inilunsad sa dagat ng Indian patungong Lupang Pangako.
Ang mga Lehites nakarating sa Lupang Pangako, at sinimulang angkinin at manirahan. Isa sa mga anak ni Lehi, Si Nephi, ay nagsimula sa paggawa ng isang talaan ng mga kasaysayan ng kanyang pamilya, at naging interesado sa mga sinulat na natagpuan sa mga banal na kasulatang Hebrew. Inspirado sa kanyang mga pagbabasa, Si Nephi ay nagturo tungkol kay Jesucristo, at ang pagtubos sa sangkatauhan. Si Lehi, sa kanyang nalalapit na kamatayan, pinagpala ang kanyang pamilya na maging mga tapat na tagapangalaga ng lupa. Pagkatapos ng kamatayan ni Lehi, ang tensyon ay nagsimula sa pagitan ni Nephi at ang kanyang mga tagasunod, na tinatawag na mga Nephita, at ang ilan sa mga kapatid ni Nephi, tinatawag na mga Lamanita. Ang dalawang mga kampo ay naghiwalay; mga Lamanita nanatili sa kanilang orihinal na teritoryo, at si Nephi at ang kanyang mga tagasunod ay naglakbay sa ibang lugar.
Pagkatapos humiwalay sa mga Lamanita, ang mga Nephita dumating sa lupain na kanilang tinawag na ang "Lupain ng Nephi." Si Nephi ang itinalaga na maging hari, at ang mga Nephita tinatag ang kanilang sarili bilang isang lungsod at komunidad. Si Nephi ay patuloy na nagsulat at nagturo gamit ang Laminang Tanso bilang kanyang pangunahing pinagkukunan. Ang kapatid na lalaki ni Nephi na si Jacob ang pumalit bilang pinuno ng relihiyon, habang patuloy ang mga Nephita na dumami at lumawak bilang kabihasnan. Ang talaan ni Nephi ay naisalin mula sa henerasyon sa henerasyon, at sa mga manunulat tulad ni Enos, Jarom, Omni, Ameron, Chemis, at Abinadom ay nagtala tungkol sa kanilang panahon. Isang Nephita na nag-ngangalang Mosias ay inutusan ng Diyos na umalis sa lupain ng Nephi kasama ang kahit na sino na susunod sa kanya. Si Mosias at ang kanyang mga tagasunod ay umalis, at sa huli ay nakarating sa Zarahemla, kung saan natagpuan nila ang hiwalay na populasyon, ang Mulekita.
Ang Zarahemla ay unang tinirahan ng mga Mulekita, na naglakbay mula sa Jerusalem papuntang Lupang Pangako bukod pa sa mga Lehitas o Jaredita. Nagtatag ang mga ito ng isang komunidad, ngunit ang kanilang mga kakulangan ng talaan ay naging sanhi ng kanilang lipunan upang bumagsak. Ilang henerasyon na ang lumipas, sila ay sumali kay Mosias at ang kanyang mga tagasunod, na umalis sa lupain ng Nephi. Si Mosias na tagapag-ingat ng talaan ng mga Nephita, ay hinirang bilang hari, at ang dalawang grupo ay nagsanib, at tinawag ng lahat na mga Nephita. Ang anak ni Mosias na si Benjamin ang pumalit bilang hari, at taimtim na nagturo sa mga tao ng pagtubos sa pamamagitan ni Cristo. Sa panahon ng paghahari ni Benjamin, ang isang grupo ng mga manlalakbay ay iniwan ang Zarahemla upang subukang hanapin ang mga Nephita na naiwan sa lupain ng Nephi. Ang anak ni Benjamin, na pinangalanan din na Mosias, ay nalukluk sa trono at sa panahon ng kanyang paghahari, ang mga manlalakbay ay nagbalik mula sa lupain ng Nephi, at sinalaysay ang kanilang mga kuwento. Ang mga anak ni Mosias, pagkatapos ng isang panahon ng paghihimagsik, nagsisi at naglakbay sa lupain ng Lamanita upang ipangaral ang ebanghelyo.
Ang mga naglakbay na umalis mula sa Zarahemla, na pinamumunoan ng isang tao na may pangalang Zenif, dumating sa lupain ng Nephi, ngunit ang natagpuan nila doon ay mga Lamanita. Si Zenif ay nakipag-kasundo sa mga Lamanita, at sumang-ayon sila na tirahan ang lupa ng kaniyang mga tao. Pinamunuan ni Zenif ang kanyang mga tao at sumunod ang kanyang anak, na si Noe, ngunit siya ay namuno sa kasalanan at kasamaan. Isang propeta na nagngangalang Abinadi ang tumawag sa kanya sa pagsisisi, ngunit pinapatay siya ni Noe. Isa sa mga saserdote ni Noe na si Alma ay naniniwala kay Abinadi, iniwan nya ang hukuman at ang mga naniniwalang tagasunod ni Noe, at itinatag ang simbahan. Samantala, si Noe ay pinatay ng mga Lamanita nilusub at sinakop ang lupain ng Nephi, at ang anak na lalaki ni Noe, si Limhi, ang pumalit na namuno sa mga tao, ngunit nasa ilalim sila ng kapangyarihan ng mga Lamanita. Sa Zarahemla naman, nagpadala si Mosias ng isang lalaki na nagngangalang Ammon sa lupain ng Nephi, na dumating at nagpalaya sa mga tao ni Limhi. Parehong mga tao ni Limhi at ang mga tao ni Alma ay naglakbay pabalik sa Zarahemla at sumali sa pangunahing katawan ng mga Nephita.
Mga anak ni Mosias, na pinangalanang Ammon, Aaron, Omner, at Himni, Nagtungo sa mga Lamanita (kasama ang ilan pang mga kasamahan) upang ituro ang ebanghelyo na nalaman ng mga Nephita. Nakarating sila sa hangganan ng mga teritoryo ng Lamanita, at sila ay nag hiwa-hiwalay. Ang unang bahagi ng ministeryo ni Ammon at Aaron ay inihayag. Si Ammon ay pumunta sa isang lugar na tinatawag na Ishmael, kung saan nakuha niya ang tiwala ng lokal na Hari, at itinuro nya ang ebanghelyo. Ang Hari at ang marami sa kanyang mga tao ay naniwala. Si Aaron, makalipas ang ilang paghihirap, ay napadpad sa lupain ng Nephi, kung saan siya din ay matagumpay na nahikayat ang punong Hari at marami sa kanyang mga tao. Ang lahat ng mga Lamanita na naniwala ay nagtipon, ngunit ang mga Lamanita na hindi nahikayat ay galit na galit sa pagtuturo ng doktrina at kampanya ng mga Nephitang misyonero at nag lungsad ng digmaan sa mga Nephita at mga Lamanita na nahikayat. Ang mga anak ni Mosias ay dinala ang kanilang mga nahikayat palabas mula sa lupain ng Nephi, at sila ay binigyan ng isang lungsod sa teritoryo ng Nephita sa lugar ng Jerson, upang manirahan.
Matinding alitan ng militar nagsimula sa mga tumiwalag sa Nephita na tumotulong sa mga Lamanita upang suportahan ang mga ito sa kanilang galit. Ang unang mga pangunahing pag-atake ay pinangunahan ng mga Zoramita, isang grupo na pinangaralan ni Alma at ng kanyang mga kasama noon. Sila ay tumiwalag at sumama sa mga Lamanita, at sumama sa digmaan laban sa mga Nephita, na pinangunahan ng isang mandirigma na nagngangalang Zerahemnas. Ang hukbo ng Nephita ay pinamumunuan ng isang tao na nagngangalang Moroni, na siyang nagbigay ng inspirasyon sa mga Nephita upang lumaban para sa kanilang kalayaan at katarungan. Ang mga Nephita ay matagumpay sa pagtataboy pabalik ng pwersa ni Zerahemnas, ngunit ito ay hindi nagtagal bago isa pang Nephita na tumiwalag, si Amalikeo, nagtamo ng mataas na ranggo sa mga Lamanita at naglungsad ng kampanya at kapangyarihan ng buong militar. Ang mga Nephita ay ibinigay ang lahat ng kanilang kapangyarihan upang ipagtanggol ang kanilang sarili, si Moroni nagtatanggol sa silangan at si Helaman nagtatanggol sa kanluran. Habang lahat ng paghihimagsik, hindi pagsang-ayon, katiwalian, at kaguluhang sibil ay tila salot na dumagsa sa bansang Nephita.
Ang katiwalian ay naka apekto sa pamumuno sa Zarahemla (at sa mga naghahangad na mamuno) mula sa simula ng panahon ng panunungkulan ni Helaman (anak ni Helaman). Ang isang lihim na grupo ng mga organisadong kriminal na tinaguriang "Gadianton na Magnanakaw," nakakapagpalakas sila ng kapangyarihan sa pamamaraan ng pagsira sa pamahalaan. Ang lipunan ng Nephita sa pangkalahatan ay nagsimulang manghina, at ang malaking bahaging teritoryo ng Nephita ay napunta sa mga mananakop na Lamanita. Dalawang anak ni Helaman, na nagngangalang Lehi at Nephi, ay may maliit na tagumpay sa pangangaral sa mga Nephita, ngunit ang mga Lamanita ay mas handang tanggapin ang ebanghelyo. Sa kalaunan isang propetang Lamanita na si Samuel, ay dumating sa mga Nephita at nagpropesiya sa nalalapit na pagdating ni Jesucristo. Binabalaan din niya na maliban kung ang mga tao na magsisi sila ay pupuksain. Si Samuel ay tinanggihan at hindi gaanong pinansin ang kanyang mga salita. Ang kapangyarihan ng Gadianton ay lumakas, at kinalaban ang mga Nephita, pinalawak ang kanilang kapangyarihan at pinahina ang mga matuwid.
Bilang katuparan ng propeseya, na si Jesucristo, ang anak ng Diyos, muling nabuhay mula sa patay, bumababa mula sa langit at ang kanyang pagbisita sa mga Nephita matapos ang dambuhalang bagyo na sumira ng kalupaan na sanhi ng pagkamatay ng maraming tao. Nag-anunsyo si Jesus na ang mga Nephita ay ang kanyang mga "ibang tupa" na kanyang sinabi sa mga Hudyo habang nasa Israel. Pinili ni Jesus ang labindalawang alagad, nag-talaga ng mga saserdote, at nagturo sa mga tao tungkol sa pagbibinyag, nagsalita sa kanila ng maraming mga katulad na mga bagay na kanyang itinuro sa panahon ng kanyang ministeryo sa lupa sa Banal na Lupain. Binasbasan ni Jesus ang mga bata, nagpagaling ng may mga sakit, nagtatag ng kanyang doktrina at mga alituntunin at nagbigay sa mga tao ng pag-asa at katiyakan sa kaligtasan. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mga talaan at kasulatan; inutus niya sa kanila na isulat ang kanyang pagbisita, at mga komento sa maraming iba pang mga banal na kasulatan na pamilyar sa kanila. Pagkatapos ng tatlong araw na pagbisita, umakyat siya pabalik sa langit at paminsan-minsan ay bumabalik sa pribadong ministeryo.